Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Ikinanta ng aktres, ikakasal na lang kay Neil… Angel, "my love" ang tawag sa mister ni Dimples

November 10, 2019

Vinia Vivar / Frankly Speak

 

 

Handang-handa na si Dimples Romana para maging Matron of Honor sa kasal nina Angel Locsin and Neil Arce.

 

“Nagre-ready na kami ng bachelorette,” sabi niya sa press launch niya nu’ng Huwebes bilang brand ambassadress ng Skin Magical beauty products.

 

“Pero kasi, bilang rock star ang kaibigan ko, alam mo naman si Angel, ibang klase siya na bride, so, kaming magre-ready ng bachelorette ay hindi lang puro babae.”

 

May dadalo rin daw na mga lalaking friends ni Angel sa bachelorette party kaya kakaiba ito.

 

“So, ang saya lang. Kasi ang cute ni Gel, eh. Natutuwa ako sa kanya, kasi nandu’n ako, eh, simula nu’ng simula. Kumbaga, na-witness ko ‘to, na-witness ko lahat ang pi­nagdaanan niya.

 

“So, alam ko na aalagaan siyang mabuti ni Neil, alam ko na mahal na mahal siya ni Neil. Ingat na ingat si Neil, iniingatan siya,” sabi pa ni Dimples.

 

May venue na raw ang wedding pero si­yempre, ayaw naman itong i-reveal ng aktres.

 

“Sabi nila, spokesperson ako, pero wala pa po akong go signal, eh,” sey pa ni Dimples.

 

Asked kung may advice ba siyang ibinigay kay Angel when it comes sa pag-aasawa, ani Dimples, “Angel would always say that she would always watch me how I am with my family. So, pakiram­dam ko, hindi na kailangang i-verbalize. Alam naman niya.

 

“‘My Love’ nga ang tawag niya sa asawa ko. At some point, inisip ko, baka itong si Darna, maagaw pa ‘tong asawa ko. Pero hindi siya ganu’n, eh. Kaya alam ko nang secured ako kahit na ‘My Love’ ang tawag niya. Sabi ko lang sa asawa ko, ‘‘Wag ka namang ma-in love,’” pagbibiro pa ni Dimples.

 

Samantala, very happy and proud si Dimples na siya ang napiling pagkatiwalaan ng Skin Magical para maging brand ambassadress. At ganu’n din naman kasaya ang kumpanya na tinanggap din ng aktres ang kanilang offer.

 

Ayon kay Ghie Pangilinan na chief operating officer ng Skin Magical, Dimples have the same characteristics as that of the brand’s campaign, Gan­dang Palaban, with the objective of making everyone confidently beautiful and happily achieve a successful life.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr