Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Duda kung magiging BF ang super-torpeng manliligaw na may iba pa palang pinopormahan

November 10, 2019

Maestro Honorio Ong 

 

Katanungan

  1. Nineteen years old na ako at may nanliligaw sa akin, pero torpe siya. Ayaw niya akong kausapin nang personal kaya puro text lang siya at nagpapadala ng kung anu-anong regalo sa akin, pero hindi  siya ang personal na nagbibigay kaya naiinis ako sa kanya kahit gusto ko rin siya.

  2. Kaya lang, nagulat ako nang may nakapagsabi sa akin na may nililigawan pa pala siyang iba bukod sa akin.

  3. Ano ang gagawin ko, hahayaan ko na lang ba siyang mapunta sa iba kahit gusto ko rin siya? 

  4. Posible kayang maging kami at nakaguhit kaya sa aking palad na siya ang magiging first boyfriend ko? 

Kasagutan

  1. Minsan, wala tayong magagawa sa ugali ng iba dahil mahirap itong baguhin. Pero may isa tayong magagawa sa ugali natin dahil ito ay kaya nating baguhin. Ganu’n ‘yun!

  2. Halimbawa, iyang torpe mong manliligaw, malabo nang magbago ‘yan o matatagalan pa bago magkaroon ng lakas ng loob ang ganyang uri ng lalaki dahil likas siyang mahiyain. 

  3. Gayunman, siguradong maitatanong mo rin kung magkaka-GF o makapag-aasawa pa kaya sila?

  4. Sa totoo lang, ‘yung ibang mga torpe, sobrang mahiyain at takot sa babae ay tumatandang binata, pero ‘yung iba ay nagkaka-girlfriend, nakapag-aasawa  at nagkakaroon din ng masayang pamilya.

  5. Paano nangyari ‘yun, eh, mahiyain sila at ubod nang torpe at hindi magawang makipag-usap sa babae?  Ito ay dahil may mga babae na nanliligaw din. ‘Ika nga, may mga babaeng pumoporma rin sa lalaking kanilang natitipuhan.

  6. Hindi natin sinasabing ikaw ang pumorma nang husto sa torpeng manliligaw mo dahil gusto mo siyang maging boyfriend. Sa halip, ang sinasabi nating pagporma ay simple lang at huwag masyadong halata.

Dapat Gawin


Samantala, kayo ng manliligaw mong  torpe ang posibleng maging magkasintahan sa malapit na hinaharap.  Ito ang nais sabihin ng kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.   Tanda na ang unang pag-ibig ang siya na ring magiging huli na madali namang pinatunayan ng magandang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagsasabing walang kabiguan o panghihinayang na relasyong itatala sa iyong karanasan. 


Gayundin, ang unang pag-ibig ay siya na ring kahuli-hulihan na magdudulot ng masaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr