Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Boni avenue, lamang

November 10, 2019

 

Aalagwa ngayong hapon ang 12 karera na tatahak sa 400 meters na paglalabanan ng mga kalahok sa Philracom-Rating Base Handicapping System (RBHS) at Condition Race sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.


Bibitawan ang dalawang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at isang Pick 4 bukod pa sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six na tatayaan. Sa Race 1, kasabay ng 1st WTA pinapaboran ang Toscana makakalaban ang Strong Leader, Hayaku Jabez at Always on Time na paglalabanan ng mga kalahok na Noon Bell, Sacred Syndicate at Jannanigans kasabay ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.


Sa Race 2, pinapaboran ang Humuhumunukunuku at makalalaban ang Casablanca at magbabanta ang Reginas’s Choice. Maglalabanan ang mga kalahok  sa Condition Race 14 na pangungunahan ng Shanghai noon, Gintong Tubig at Toy for the Big Boy, isama sa talaan ng Pentafecta ang Diva’s champion at Magtotobesky kasabay ng panimula ng 1st pick 6 sa Race 3. Sa Race 4, pinapaboran ang Konzeelanz at makalalaban ang One More One More isama ang Subok Lang sa Trifecta. Sa Race 5, mag-uumpisa ang 1st Pick 5 at ipinapatok ang You Never Know at makakalaban ang Looksmart at Humble Submission. Malaki ang panalo ng Boni Avenue at magbibigay ng laban ang Digame, Alta’s Glory sa Race 6.


Sa 2nd Pick 6, maghaharap ang Quiet Whisperer, Mark The Spot at Boom Boom Thailer sa Race 7. Sa Race 8, nakalalamang ang Petersaints at magsisilbing kalaban ang couple entry na Trust Worthy at Lucky Savers sa 2nd Pick 5.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr