Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Aktres, after layasan ang network, haping-hapi na raw… Nabulgar: Mga projects ni Kisses, hinaharang sa dos

November 10, 2019

Nitz Miralles / Bida

 

Maayos na nag­paalam si Kisses De­lavin sa ABS-CBN na hindi na siya magri-renew ng kontrata at lilipat na sa Triple A Management o All Access To Artists, Inc., at pinayagan naman siya.

 

Sabi ni Kisses, nag­­­paalam siya from top management hang­­gang sa huling dapat pagpaalaman bilang pag­sunod sa payo ng parents niya at ni Director Mike Tuviera na “Don’t burn bridges.”

 

Baka nga naman mag-collab ang Star Cinema at APT Entertainment, ang movie arm ng Triple A, at isa si Kisses sa maging cast. Kasama sa mga tinanggap ni Kisses ang three-picture contract sa APT Entertainment at nakalatag na ang rom-com at family drama na kanyang gagawin.

 

Si Marian Rivera at manager nitong si Rams David ang isa sa mga rason kung bakit sa Triple A pumirma ng kontrata si Kisses. Nakita niya kung paano alagaan si Marian ng Triple A at ni Rams, mas personal ang touch at gusto niyang maramdaman ‘yun.

 

May magandang message si Kisses sa bago niyang management company: “To my new Triple A family @ramsdavid, @direkmike, Mr. Antonio Tuviera, Mr. Jojo Oconer and all the lovely people from APT Entertainment, thank you for the amazing welcome I had earlier! You made that day extra special for me and it meant a lot. Thank you for taking care of me now and for the future to come!”

 

Naintriga lang kami sa comment ng isang fan ni Kisses na masaya siya na wala na sa ABS-CBN ang aktres dahil makakagalaw na raw nang maayos at wala nang haharang sa kanyang mga projects. May ganu’ng isyu pala!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr