top of page
Search
  • Pasaway Spotted

Reyna ng customs sa Norte, ibinulsa na ang P2.2 bilyong sobra sa koleksiyon sa tax


Jeff Tumbado / Pasaway Spotted

Aba, tingnan mo nga naman si ‘ate opisyal’ na reyna ng Bureau of Customs sa probinsiya sa parteng norte na kahit spotted na siyang pasaway ay patuloy pa rin siyang nagtatrabaho at in fairness, nalagpasan na ng kanyang ahensiya ang kanilang collection target na P24.7 bilyon ngayong taon!

Si ‘ate opisyal’ na may palayaw na “em-em” sa kanyang report na proud sa accomplishments nito ay nakakolekta ng aktuwal na buwis na P26.9 bilyon. Ibig sabihin, isinabaw na ni Mang Kanor sa kanyang pananghalian ang nasa P2.2 bilyon na sumobrang kita. Huwooow!

Pero sa kabila ng tagumpay ni ‘ate opisyal’ ay may mga alipores itong sumisimple-simple pa ring gumagalaw pailalim at tuloy ang kanilang hayahay na buhay sa tara.

Huwag maging pasaway dahil palagi namin kayong spotted at si Customs Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero ang makakabulungan natin nang personal sa susunod na mga araw kasama ang haliparot na bubuyog na BFF ni Mang Kanor.

◘◘◘

Hala! Spotted din sa sobrang pasaway itong bagong talagang opisyal na unipormado sa National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil agad daw nitong pinalalayas ang mga pobreng opisyal at miyembro ng press corps sa kanilang opisina o extension office sa loob ng headquarters sa Taguig City.

Teka, agad daw pinag-aalsa-balutan ang mga tumatao roon dahil kakailanganin agad ni “Batchoy” para gawing kanyang commanders lounge? Hindi mo man lang binigyan ng importansiya ang mga ‘yan na gumagawa para sa ikagaganda ng imahe ninyo.

Ang balitang ipinarating ng haliparot na bubuyog kay Mang Kanor na noong nakatalaga pa si “Batchoy” sa Central Visayas ay talagang buwisit na buwisit daw ito sa media. Teka, I want to know, why, oh, whyyy? Baka may bad experience siguro kaya ganu’n? Tsk-tsk-tsk!

Ikaw, sir, ha, very allergic ka sa media. Dapat nga tandem kayo sa pagbibigay ng mga accomplishments ninyo sa publiko, pero ang gusto mo, may sarili kang rules and regulations.

Gusto mo ang interview, daraan pa sa PIO mo. Gusto mo, walang ambush interview. At gusto mo, hindi ka iistorbohin sa alanganing oras at bawal ka gisingin! Hello, public servant ka, you should lead by example tulad ng super-duper galing sa pakikisama kaya darling of the press na malapit nang maging “the chief”!

O, ‘di ba, nu’ng nalaglag ka dahil sa sobrang taba at bigat mo ay bumigay ang kinauupuan mo? Nag-viral pa nga, eh! Ang sabi ni “Mang Kanor” na naglilinis na ng nitso sa sementeryo, baka “karma” na ‘yun! He-he-he!

 

Para sa sumbong, i-text o itawag lamang ito sa 09171361211/09982606938 o mag-email sa jefftombado.bulgar@gmail.com

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page