top of page
Search
  • Roma Amor

Pagod na sa work, todo-gimik pa rin kapag tinawag ng barkada


Dear Roma, Ako si Yzza, sumulat ako sa inyo para humingi ng payo. Nagtatrabaho na ako at kapag may mga lakad kaming magkakaibigan ay hindi ako makatanggi kahit pagod na pagod ako sa trabaho. Minsan, gusto ko na lang umuwi para makapagpahinga, pero hindi ko magawa, lalo na kapag may mga biglaang lakad dahil nahihirapan akong tumanggi. Iniisip ko kasi na baka magtampo sila sa akin kapag tumanggi ako. Ano ang gagawin ko? Thank you! —Yzza

Yzza, Alam mo, sis, may mga tao talagang tulad mo na hindi marunong tumanggi kaya minsan, kahit gusto mong humindi ay hindi mo magawa dahil nasanay sila na palagi kang “G” sa mga lakad n’yo. Pero alam mo, walang masama sa pagtanggi dahil may kani-kanya na kayong responsibilidad at kailangan n’yong tanggapin na marami nang nagbago tulad ng priorities kung saan sa panahon ngayon, mas importante na para sa iyo ang pagpapahinga kesa sa mga biglaang lakad. Huwag kang mahiyang tumanggi dahil kung talagang kaibigan mo sila, mauunawaan ka nila. Magpahinga ka kung kailangan mo dahil marami pang susunod na pagkakataon. Fighting!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page