top of page
Search
  • Roma Amor

24-anyos na hindi pa marunong mag-ipon kaya todo-alala para sa future


Dear Roma, Tawagin n’yo na lang akong Josef, 24 years old na ako at medyo matagal na ring nagtatrabaho. Masasabi kong okay naman ang kita ko dahil nakatutulong ako sa gastusin sa bahay, pero nahihirapan akong mag-ipon. Aminado akong hindi ko makontrol ang sarili ko kapag hawak ko na ang pera kaya madalas, allowance lang ang natitira sa suweldo ko. Nag-aalala ako dahil kung hindi ako makapag-iipon ay wala akong magastos pagtanda ko. Alam kong marami ring iba riyan na tulad ko, kaya sana, mapayuhan n’yo ako. Salamat! — Josef

Josef, Sa panahon ngayon, mahirap talagang mag-ipon dahil kabi-kabila ang tukso tulad ng mga bagong gadget, gimikan at iba pa. Pero sa kabila ng mga ito, kung ang goal mo ay makapag-ipon, disiplina ang pairalin mo. Mahirap itong gawin, pero worth it pagdating ng panahon. Gayundin, unti-unti mong bawasan ang bisyo mo kung meron man at matuto kang mag-budget ng suweldo mo at itabi ang sobrang pera para maging savings. Kaya mo ‘yan, lodi! Good luck!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page