Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Tustadong kelot, nadiskubre

October 13, 2019

 

Mistulang inihaw na  baboy ang kinahinatnan ng hindi pa matukoy na lalaki na natagpuang sunog sa madamong bahagi ng Abaya Road, Bgy. Toclong, Kawit, Cavite, kahapon ng madaling-araw.


Sa ulat na nakalap mula sa Kawit Police, alas-3:30 ng madaling-araw  nang makatanggap ng tawag ang Kawit MPS na may isa umanong sunog na tao na natagpuan sa kahabaan ng  Abaya Road, Bgy. Toclong.


Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakagapos ang mga kamay ng biktima sa likuran nito. Walang makuha ni anumang ebidensiya o pagkakakilanlan dito at hindi rin matukoy kung paano pinatay ang biktima. 


Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya sa tulong ng SOCO-Cavite.
 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr