Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Nagtuturo sa umaga, nagtutulak sa gabi.. Titser pusher, arestado

October 13, 2019

 

Timbog ang 37-anyos na head teacher sa ikinasang drug-bust operation sa Cauayan City, Isabela, kamakalawa.


Kinilala ang suspek na si Marc Dominic Antonio, head teacher ng Disimuray Elementary School.


Ayon kay Police Colonel Mariano Rodriguez, agad  dinakma ng Station Drug Enforcement Unit ng Cauayan City Police si Antonio, ilang saglit nang pagbentahan nito ang poseur-buyer ng P1,000 halaga ng shabu.


Isinagawa ang transaksiyon sa labas ng bahay ni Antonio sa Bgy. District Uno, pasado alas-7:00 ng gabi ng Biyernes. Bago isinakatuparan ng pulisya ang operasyon, isang sumbong ang naiparating sa kanila kaugnay sa ilegal na aktibidad ng suspek matapos itong magturo sa araw bilang guro at tulak ng shabu pagsapit ng gabi.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr