Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Mag-asawa kulong sa baril at shabu

October 13, 2019

 

Arestado ang mag-asawa matapos magbenta ng hindi lisensiyadong baril sa pulis sa buy-bust operation sa Navotas City, Biyernes ng gabi.


Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang mga naarestong suspek na sina Michael Cardenas, 34, at kanyang asawa na si Jonalyn, 34, kapwa ng Bgy. Bangkulasi.


Alas-11:40 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Northern Police District (NPD) Special Operation Unit (SOU) sa pangunguna ni P/Capt. Melito Pabon ang buy-bust operation kontra kay Michael sa Reyes St., Bgy. Bangkulasi matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa ilegal umanong pagbebenta ng suspek ng baril.


Isang undercover police ang nagpanggap na bibili ng hindi lisensiyadong baril subalit, bago magkabayaran ay napansin ni Michael ang presensiya ng mga operatiba kaya tumakbo ito sa kanyang bahay.


Hinabol ito ng mga operatiba hanggang sa makorner sa pinto ng kanyang bahay kung saan narekober sa suspek ang cal. .38 revolver at dalawang pakete ng shabu na nasa P20,000 ang halaga.


Nang posasan ang suspek, biglang pumagitna ang kanyang asawa at pinigilan ang mga pulis sa pag-aresto saka sinabihan ang asawa na tumakas na naging dahilan upang arestuhin din ito ni Capt. Pabon dahil sa obstruction of justice.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr