Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Bawas-trapik.. Gov’t officials mag-commute

October 13, 2019

 

Pinag-aaralan ni Iligan City Rep. Frederick Siao ang panukalang-obligahin ang mga matataas na opisyal ng gobyerno na mag-commute kahit isang beses sa isang linggo.


Ani Siao, maghahain siya ng panukalang-batas na mag-oobliga sa mga elected official, cabinet  member at division chief na mag-commute gamit ang tricycle, jeepney, bus at tren kada Lunes upang makatulong sa pagpapababa ng bilang ng mga pribadong sasakyan na dumaraan sa mga matrapik na lugar.


Sa pamamagitan umano ng paggamit ng public transport, maipababatid sa mga public official ang lingguhang pagdurusa ng mga mananakay sa pagbiyahe.


Matatandaang, inabot nang halos apat na oras si Presidential Spokesperson Salvador Panelo bago makarating sa Malacañang mula Marikina.


Ito ay kaugnay sa kanyang pagkasa sa commute challenge.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr