Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Anti-drug operation, 3 nadale

October 13, 2019

 

Nauwi sa barilan ang drug-bust operation na nagresulta sa pagkakapatay sa notoryus na tulak ng droga at ikinasugat pa ng dalawang pulis sa Opol, Misamis Oriental.


Ayon kay Major Evan Vinas, tagapagsalita ng Misamis Oriental Provincial Police Office, binunutan umano ng baril ng suspek ang dalawang pulis na umaktong bibili ng shabu nang makatunog ang una na darakpin siya nitong Biyernes ng hapon.


Nabatid na bago isagawa ang operasyon ay nakaabang na ang suspek na si Maingko Alinog sa loob ng Vamenta Subdivision sa Bgy. Barra sa tapat ng kanyang bahay at hinihintay nito ang pagdating ng kanyang mga customer.


Subalit, nang dumating ang dalawang police undercover agents sa lugar ay bigla umanong pinaputukan ang mga ito ng suspek nang matunugan na mga pulis ang katransaksiyon.


Sa kabila ng tinamong tama ng bala sa braso at kamay ay nagawang gumanti ng putok ng dalawang pulis na sina Corporal Reynante Rara, Staff Sgt. Homer Raliza at Staff Sergeant Rex Tenio na nagpapagamot sa J.R. Borja General Hospital.


Agad nasawi ang suspek sa pinangyarihan ng shootout makaraang mapuruhan ito. Ang nabanggit na mga pulis ay kapwa nakatalaga sa city drug enforcement unit ng Cagayan de Oro City Police Office (CDOCPO).


Napag-alaman na si Alinog ay kalalabas pa lamang ng piitan isang linggo na ang nakalilipas dahil sa kaparehong kaso sa pagtutulak nito ng ilegal na droga.


Si Alinog din ay isinasangkot sa brutal na pagpatay sa isang lalaking mall worker na si John Lagumbay nitong Oktubre 8, 2019 sa Bgy. Camaman-an.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr