Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

5 menor-de-edad tiklo sa droga

October 13, 2019

 

Nadakip ng mga awtoridad ang  limang menor-de-edad na lalaki matapos maaktuhang humihitit ng marijuana sa Lungsod ng Zamboanga.


At dahil pawang mga nasa 15 hanggang 17 ang edad, hindi na tinukoy ang kanilang pangalan at nasa pangangalaga na ng City Social Welfare and Development (CSWD).


Ayon sa pulisya, madaling-araw ng Sabado, habang sabay na nagpapatrulya ang elemento ng Zamboanga City Police at militar sa Bgy. Sta. Barbara nang mapansin nila ang grupo ng kabataan na nagtitipon sa isang madilim na bahagi ng kalsada.


Nang kanilang lapitan ay agad nagtakbuhan kung saan nagma-marijuana pala ang mga ito.


Hanggang sa makorner din at nakumpiska sa posesyon ng isa sa apat na kabataan ang ilang tuyong dahon ng marijuana na nakasilid sa mala-teabag na sachet.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr