Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

3 buwan lang.. LRT-2, balik-normal na

October 13, 2019

 

Posibleng maibalik sa normal ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa loob ng 2 hanggang 3 buwan lamang.


Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Hernando Cabrera, ito ay batay sa pinakahuling usapan nila ng mga opisyal ng kanilang engineering department.


Sa unang pagtaya ng LRTA, posibleng abutin ng siyam na buwan ang gagawing pagkukumpuni sa nasirang power rectifier ng LRT-2.


Paliwanag ng LRTA official, pinag-aaralan na umano nila ngayon ang posibilidad na palitan na lamang ang  napinsalang bahagi, sa halip na palitan ang buong power rectifier.


Gayunman, depende pa rin aniya ito sa magiging resulta ng isinasagawa nilang assessment hinggil sa naganap na pinsala ng kanilang pasilidad.


Matatandaang, may limang araw na natigil ang operasyon ng linya ng LRT-2 matapos masunog ang kanilang rectifier substation, na nasa pagitan ng Anonas at Katipunan Stations, na nagresulta sa kakulangan ng suplay ng kuryente.


Sa ngayon, partial lamang ang operasyon ng LRT-2 mula Cubao Station  hanggang Recto Station lamang habang nananatili namang wala pang biyahe mula  Anonas hanggang Santolan Stations dahil sa bagsak na signaling system at power supply.


Isinaisantabi na ng LRTA ang anggulong arson o terorismo ang sanhi ng sunog at sinabing posibleng tinamaan ng kidlat ang rectifier na nagresulta sa pagsiklab ng apoy doon.


Ang LRT-2 ang nagdurugtong sa Recto, Manila at Santolan, Pasig City.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr