Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Wanted, gambling workers at overstaying na Chinese nationals, na-deport

October 12, 2019

Ryan B. Sison / Boses

 

Kamakailan, sunud-sunod ang napabalitang isyu na kinasangkutan ng mga Chinese nationals sa bansa.


May ilang nagtatrabaho sa Philippine offshore gaming operation (POGO) at sunud-sunod din ang mga natuklasang sex den kung saan karamihan umano sa mga ibinubugaw ay pawang Chinese nationals.


Umabot sa 270 Chinese nationals kabilang ang mga wanted sa investment scam, gambling den worker, illegal at overstaying alien ang na-deport.


Kasama ang Chinese police at embahada, naaresto ng Immigration Police ang mga ito sa Ortigas sa Pasig, Metro Manila.


Naglaan ang China ng tatlong commercial flights para maibalik ang mga deportee sa Xiamen at hindi na muling makababalik sa bansa.


Matatandaang, tumaas ang bilang ng mga Chinese na turista at manggagawa sa bansa noong 2016 at kasabay nito, nagsuspetsa ang mga awtoridad sa pagdami ng mga Chinese illegal worker sa online gambling industry.


Ikinatuwa ito ng marami dahil anila, ang mga Tsekwa ang dahilan kaya nawawalan ng oportunidad na makapagtrabaho sa bansa ang mga kababayan natin.


Gayunman, sana ay ipagpatuloy ng mga awtoridad ang pagtugis sa mga alien worker at foreigner na nagtatago sa bansa dahil hindi ito ang lugar para sa kanila.

 
At panawagan sa mga kinauukulan, ang pagpapa-deport sa mga dayuhan na nagtatago at nagkakalat sa  bansa, paigtingin!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr