Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Vera at Sang Title Match abangan sa ONE heavyweight

October 12, 2019

 

 

 

 

Walang mainit na tinapay sa pagitan nina ONE heavyweight champion at Filipino-American Brandon “The Truth” Vera at ONE Light-Heavyweight titlist Aung “The Burmese Python” La N Sang ng Myanmar sa kanilang pagtatapat sa main event sa primetime ng ONE: Century 100th edition, na gaganapin sa Linggo, Oktubre 13, sa Ryogoku Kokugikan sa Tokyo, Japan.   

 
Kahit pa man magbangasan ng mukha at magbugbugan ang dalawa sa loob ng MMA stage ay mananatiling magkaibigan ang mga ito matapos ang title defense ni two-division champ Aung La para sa kanyang ONE Light-heavyweight title.

 
Matatandaang maayos na hiniling ni Vera na makatapat si Aung La sa isang title match matapos ang matagumpay na pagdepensa ng Burmese Python sa kanyang Middleweight title laban kay Ken Hasegawa sa ONE: The New Era noong Abril.  Agad namang  sinagot ito ng Myanmar fighter ora-mismo na nagtapos sa kamayan. 


Naging madamdamin din ang tagpo sa pagitan nina Vera at Aung La nang aminin ng huli na matagal na itong tagahanga o fan ng dating UFC campaigner sa North America.  “I want to thank Brandon Vera for asking me for this fight. I’ve been a big fan of his since I was in college, 10 years ago,” wika ni Aung La sa ginanap na pre-event press conference sa Park Hyatt Hotel sa Tokyo, Japan.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr