Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Tug-of-war ang Blaze at HD Spikers sa PSL top spot

October 12, 2019

 

 

Pag-aagawan ng powerhouse Petron Blaze Spikers at ng  Cignal HD Spikers ang No. 1 spot sa Pool C sa sandali ng banggaan sa Philippine Superliga Invitational Conference mamayang hapon sa Caloocan Sports Complex.


Magsisimula ang aksiyon ng 2 p.m. kung saan hawak ng HD Spikers ang malinis na 5-0 slate kontra Blaze Spikers squad na wala pang talo sa apat na laro.


Samantala, pakay ng  Generika-Ayala na manatili sa kontensiyon kontra mapanganib na F2 Logistics ng 4 p.m. habang pride na lang ang pag-aagawan ng Marinerang Pilipina at PLDT Home Fibr sa 6 p.m. main tiff. Puno ng tensiyon at drama ang aasahan  sa pagitan ng Cignal at Petron. 


Ang Cignal ang naging bikig sa pakay na titulo ng Petron All-Filipino Conference noong Agosto makaraang magwagi sa semifinal showdown, kung saan ang Blaze Spikers ang nakauna sa twice-to-beat advantage.


Sumuko ang  HD Spikers sa Cargo Movers sa best-of-three finals series habang dinomina ng Blaze Spikers ang Foton sa battle for third para makuha ang bronze medal.  


Ang naging  maalat nilang laro ayon kay Petron head coach Shaq Delos Santos ay kinalimutan na at ngayon ay nakapokus na sila sa pagwawagi sa titulo. 


“What happened in the past conference no longer matters to us. What’s important at this point is what lies ahead of us,” ayon kay Delos Santos, na siyang magiging coach ng national squad sa 30th Southeast Asian Games.


Pareho rin iyan ng sinabi ni Cignal coach Edgar Barroga, tiniyak na ang bakbakan sa pagitan ng teams ay isang giyera.   


“I always remind my players to learn a thing or two in our past games,” aniya. “But I still always remind them that the present is more important.”


Babanat sina High-flying Sisi Rondina, Aiza Maizo-Pontillas at Remy Palma kontra sa mga palaban din na sina Jovelyn Gonzaga, Rachel Anne Daquis, Mylene Paat at Alohi Robins-Hardy, ang Filipino-American playmaker na ‘di basta-basta ang kakayahan.              

     
Pool C- Cignal 5-0* Petron 4-0* PLDT 1-3 Marinera 0-5/ Pool D/ F2 Logistics 3-1/ Sta. Lucia 2-3/ Foton 2-3/ Generika 1-3.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr