Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Taiwanese nag-string bikini sa Boracay, pinagmulta

October 12, 2019

 

Dinampot ng pulisya ang isang babaeng turistang Taiwanese dahil sa reklamong pagsusuot nito ng G-string underwear habang nagtatampisaw sa dalampasigan ng Boracay.


Agad namang pinalaya ng Malay Police Station ang turista matapos maglaan ng P2,500 bilang kanyang multa sa pangyayari.


Ayon kay Police Major Jess Baylon, naeskandalo ang mga tao sa Boracay kaya kinunan nila ng larawan ang dayuhan at nag-report sa kanilang himpilan.


Inutusan ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group ang pulisya na papuntahin ito sa police station.


Matapos maabutan sa isang hotel sa Station 1 ay inimbitahan ang babaeng dayuhan kasama ang boyfriend nito.


Nabatid na dalawang beses na nagsuot ang Taiwanese ng string swimsuit, puti noong Miyerkules at pula araw ng Huwebes.


Katwiran nito ay wala siyang nakitang mali sa kanyang isinuot na bikini dahil isa aniya itong “form of expression” at komportable umano ang katawan nito sa naturang swimwear.


Dahil walang regulasyon sa Boracay na nagbabawal sa pagsusuot ng string bikini, pinagmulta na lamang ang dayuhan base sa probisyon ng ordinansa na nagbabawal sa display ng “lewd photographs”.


Ayon sa pulisya, kailangang bayaran ng Taiwanese ang multa bago ang nakatakdang pag-alis nito.


Matatandaang, nag-viral sa social media ang larawan ng Taiwanese na nakasuot ng string two-piece bikini habang namamasyal sa isla. 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr