Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Taas-suweldo ng mga guro, tamang pagpapakita sa kahalagahan nila

October 12, 2019

 

Sonny Angara / Agarang Solusyon

 

Noong Oktubre 5, ipinagdiwang natin ang Teachers’ Day para kilalanin at papurihan ang mga guro. Pero, sapat na ba ‘yun? 


Hindi madali ang pagiging guro. 


Ang mga magulang ng inyong lingkod ay parehong naging guro kaya alam natin ang kanilang sakripisyo. 


Sa hirap ng kanilang pinagdaraanan, dapat meron din silang kaukulang pabuya, ang karapat-dapat na taas-suweldo at karagdagang benepisyo. 


Sa ating panukalang-batas na Senate Bill 131, nilalayon nating itaas ang buwanang suweldo ng mga pampublikong guro. 


Sa proposisyon natin, hinihiling natin na mula sa P20, 000 (Salary Grade II) starting salary, maiapataas ito sa P45, 000 (Salary Grade 19). 


Ganyan ang nakasaad sa fourth tranche ng Salary Standardization Law.


Huwag sana nating kalimutan ang importansiya ng mga guro. 


Pinapupurihan natin sila dahil meron silang “mabigat na halaga”, kaya sana, kilalanin at tapatan ito ng gobyerno.


Napakatagal na nating itinutulak ito, nadoble na ang suweldo ng mga pulis at sundalo, pero ang suweldo ng mga guro, naiwan sa ere. 


Nangako na si Pangulong Rodrigo Duterte na tataasan ang suweldo ng public school teachers, pero hanggang ngayon, ‘ika nga sa salitang gen-x ni Yorme Isko, alaws pa rin, olats pa rin!


Gusto natin ng de-kalidad na public education sa bansa, pero bigyan din natin ng de-kalidad na benepisyo ang mga pampublikong guro.  Hindi sila martir.


Oo nga at mahal nila ang kanilang trabaho — ‘yun ang mandato nila sa pinili nilang karera, pero sana, makatanggap din sila ng rasonableng tulong mula sa pamahalaan. 


“Let us give our beloved educators the pay that they deserve.”

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr