Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Sinabihan daw ng saleslady na mukha siyang 'can't afford'… Regine, aminadong mukhang basura 'pag 'di naka-make-up

October 12, 2019

Vinia Vivar / Frankly Speak

  

 

Inamin ni Re­gine Velas­quez na hang­­gang ngayon ay na­ka­karanas pa rin siya ng discrimi­nation sa ibang bansa. Matatandaan kasing sa latest vlog ni Asia’s Songbird sa You­Tube ay ikinuwento niya kung papaano siya na-discriminate sa Louis Vuitton store sa New York na nangyari way, way back pa.

 

Maraming naka-relate sa ku­wento ni Regine pero ayon kay Song­bird, naka­tanggap din siya ng pamba-bash dahil dito.

 

“There are many also na bina-bash ako na parang ang OA naman, atsutsutsu, ganyan-ganyan,” sabi ni Regine sa presscon ng Iconic concert nila ni Sharon Cuneta last Thursday.

 

“Actually, nae-experience ko pa rin ‘yan ngayon,” pag-amin niya.

 

“Kasi ‘pag nagsa-shopping ako, hindi naman ako nakaayos.

 

“So, madi-discriminate ka talaga kung mukha kang… in my case, mukha kang basura, na mukha kang ‘cannot afford.’ Meron talagang ganu’n.

 

“Kasi, tinatamad akong mag-ayos. Parang feeling ko kasi, mag­sa-shopping lang ako, eh. So, alam mo ‘yun, I just wanna be myself, I wanna be in jeans, ganyan.

 

“When that happened, first of all, it was a long time ago, I was still single, wala pa akong obligasyon, I can splurge because wala naman akong… Ako lang mag-isa nu’n, parang okay na ‘yung family ko, and I wanted to treat myself, and saka, pinag-ipunan ko ‘yun. I worked really hard du’n sa tour na ‘yun, so I could treat myself,” mahabang paliwanag ni Songbird.

 

Besides, kailangan din naman daw niya ang magagandang shoes sa trabaho at hindi naman ‘yung tipong pang-display lang. And that time ay matagal din daw siyang hindi bumili ng sapatos kaya need niya talagang bumili.

 

Hindi raw ‘yun ang first time na na-discriminate siya at ‘yung ibang experience niya ay mas malala pa raw. Mayroon pa raw nangyari na tiningnan siya mula ulo hang­gang paa at sinabi sa kanya nang diret­sahan, “I don’t think you can afford it.”

 

Pero sa ibang bansa lang naman daw niya nararanasan ‘yun at dito sa ‘Pinas ay never naman. Of course, haller, Regine Velasquez siya at walang hindi nakakakilala sa kanya rito.

 

Pero aniya, she doesn’t mind at all at hindi raw siya ga­gawa ng eksena’t hindi rin daw niya ire-report ang sales employee at sa ha­lip ay magha­hanap na lang daw siya ng ibang staff na mag-a-assist sa kanya.

 

Anyway, ang Iconic sa Araneta Coliseum ay mai­ko-consider na once­-­in-a-lifetime concert dahil imagine nga namang pag­samahin ang Megastar at Asia’s Songbird. No wonder, sold-out na ang tickets sa first night.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr