Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Resbak sa nang-ismol na tiningnan siya mula ulo hanggang paa… Regine, ipinagsigawang gagamitin ang pera maipamukha lang na 'di siya dapat inaapi

October 12, 2019

Nitz Miralles / Bida

 

 

 

 

Ibinalita kay Regine Ve­las­quez ng isa ni­yang follower sa socmed na ‘yung vlog niya kung saan naiku­wento ang narana­sang discrimination habang nagsa-shopping sa Amerika ay may 1M views na.

 

Ang discrimination na tinutukoy ay 'yung naranasan ni Regine noon sa Louis Vuitton store sa Amerika. Naikuwento rin niya na aside from LV, may isa ring store na tiningnan siya ng sales employee from head to toe at sinabihan siyang... “I don’t think you can afford it.”

 

Ani Regine, “I will not make a scene, I will not report it to the management. What I will do is to look for another person to assist me at ang ganti ko, marami akong bibilhin.

 

"Pero nga­yon, wala nang masya­dong discri­mination at ‘pag Asian ang pumasok, nag­kaka­gulo na sila dahil alam nilang may pera ang Asians.”

 

Samantala, nakapag-rehearse na sina Regine at Sha­ron Cuneta ng Iconic concert nila at may two rehearsals pa, pero in-assure ni Regine na mag-i-enjoy ang audience sa concert. Maganda ang repertoire nila at ang medley nilang dalawa na inareglo ng musical director na si Louie Ocampo.

 

Nagpa-sample sina Regine at Sharon ng kanilang duet ng Sana’y Wala Nang Wakas na pinalakpakan ng media at looking forward kami sa more duets nila at solo number.

 

Si Rowell Santiago ang director ng Iconic.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr