Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Radio broadcaster in-ambush

October 12, 2019

 

Isang local radio broadcaster ang sugatan makaraang pagbabarilin ng hindi pa natutukoy na salarin sa Tagum, Davao del Norte.


Patuloy na ginagamot sa ospital ang 54-anyos na biktimang si Pat Lucero-Pacquiao, anchor ng 99.9 RP-FM at kasalukuyang information officer ng Davao del Norte Provincial Information Communication and Knowledge Management Office.


Nagtamo ng ilang daplis ng bala ng baril si Pacquiao sa iba’t ibang bahagi ng katawan.


Ayon sa report kay Police Lt. General Debold Sinas, sakay ng kanyang sasakyan ang biktima at tumigil ito sa isa niyang property sa Bgy. Visayan nang siya ay lapitan ng isang lalaking armado ng baril at malapitan itong pinaputukan.


Mabilis namang nakaiwas sa matinding tama ng mga bala ang biktima at napaandar pa nito ang kanyang sasakyan bago tuluyang makalayo.


Batay sa imbestigasyon, kagagaling lamang umano ni Pacquiao sa kanyang radio program nang mangyari ang insidente.


Naniniwala siyang may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang komentarista ang ambush.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr