Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pirates, sumegunda na, handa na sa Red Lions

October 12, 2019

 

 

Pormal na napunta sa Lyceum  ang 2nd place sa Final 4 ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) matapos talunin ng Pirates ang Jose Rizal U, 77-64 kahapon sa FilOil Flying V Centre.  


Sa bisa ng kanilang ika-13 panalo sa 17 laro, hindi na mahahabol ang Lyceum at isa nalang ang nalalabing laro at ito ay kontra sa walang talong defending champion San Beda sa Okt.17.


Mabagal ang simula ng Pirates subalit nagising sila sa 2nd quarter at tuluyang iniwanan ang Heavy Bombers, 43-33. 

 
Namuno sa paghataw si Jaycee Marcelino na may 9 puntos at malaki ang tulong sa kanya nina Mike Harry Nzeusseu, Ralph Tansingco at kapitan Reymar Caduyac.


Gumawa pa ulit si Marcelino ng 14 puntos sa 2nd half upang magtapos sa 23 puntos at 5  rebounds.  Sinundan ni Nzeusseu na may 15 puntos at 10 rebounds.


Sa unang laro, wagi ang San Juan de Letran sa  Perpetual Help System-Dalta, 88-69, upang umakyat sa 11-6 at palakasin ang hawak sa 3rd place at maaring harapin ang Pirates pagsapit ng Final 4.  


Kailangan lang ng Knights na manalo sa huling laban sa E. Aguinaldo College sa Okt.17 para makasigurado  sa playoffs.


Parehong nanguna sa Knights si kapitan Jerrick Balanza at Christian Balagasay na may 18 puntos.  Nag-ambag ng 17 si Renato Ular at 14 galing kay Fran Yu.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr