Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pareho raw singer, magaling umarte, magkasinglaki pa… Kz, bagong Nora Aunor

October 12, 2019

Janice DS Navida / Showbiz Special

 

 

 

Artista na ang magaling na singer-performer na si KZ Tandingan!

 

Yes, totoo! At for her first film, kasama niya sa rom-com movie titled The Art of Ligaw ang magaling na character actor na si Epy Quizon.

 

Kuwento nga ni Epy na first time co-producer naman sa film na ito na kinunan pa sa Davao at may mga Visayan lines, nu’ng una ay nagulat din siya at nagduda na si KZ ang kinuhang bida sa pelikula dahil ang alam niya ay singer si KZ.

 

Kaya ang kondisyon daw ni Epy nang tanggapin ang pelikula, mag-workshop muna ang magaling na singer.

 

Pero laking-gulat daw ni Epy nang magkaeksena na sila ni KZ dahil… “sinapa­wan” siya nito!

 

At sa sobrang bilib nga niya sa singer-turned actress, nasabi ng anak ni Tito Dolphy (SLN) na “KZ Tandingan has the makings of our Superstar Nora Aunor!”

 

Woooooow!

 

Kaya, tinanong namin si Epy kung ano’ng meron si KZ para masabi niyang ‘next Nora Aunor’ ito.

 

Aniya, dahil siguro pare­hong maliit ang dalawa at pareho rin ng kulay at gan­dang Pilipina, bukod sa pa­reho ring nagsimula bilang singer bago naging maga­ling na aktres. At pareho rin daw sina Ate Guy at KZ na 'uma­arte' ang mga mata. Bongga!

 

Nang mahingi ang reaksi­yon ni KZ na siya ang next Superstar, na-pressure raw siya at sabi niya kay Epy, baka masyadong mag-expect ang mga tao sa kanya. Pero napa­iyak siya sa tuwa dahil sa malaking tiwala at suporta sa kanya ni Epy, ng direktor ng movie na si Jourdan Sebastian at ng CoreMinds producers.

 

Nag-alala si Epy sa maaaring maging reaksiyon ng mga Noranians sa sinabi niya kaya aniya, Nora­nian siya ever since at personal opinion niya ‘yun at base sa obserbasyon niya kay KZ, pero siyempre ay may sariling paniniwala ang mga fans ng Superstar.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr