Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Panelo, pahiya sa hirit na walang transport crisis, na-late dahil sa trapik

October 12, 2019

Pablo L. Hernandez III / Prangkahan

 

BAD ANG EPEKTO NG PAGKALTAS NG TROPA NI SPEAKER CAYETANO SA BAD­YET NG DOH—Ma­sa­ma ang epekto ng pag­kaltas ng tropa ni Spea­ker Alan Peter Cayetano ng P16.6 bilyon sa badyet ng Department of Health (DOH) dahil bukod sa kakapusin na ang pondong pambaku­na sa mga bata, mao­obli­ga pa ang DOH na tanggalin sa trabaho ang libu-libong health wor­kers dahil wala nang badyet na pampasuwel­do sa kanila.

 

R’yan makikita na ang tropa ni Speaker Caye­tano ay wala nang pakialam sa kalusugan ng mga bata, wala pang pakialam kung maging jobless ang libu-libong health workers, mga buwisit!

 

◘◘◘

 

EBIDENSIYA VS. PNP CHIEF, SABI NINA SEN. GORDON AT SEN. DRILON MALAKAS, PERO AYON KAY SEN. LACSON, HINDI!—Kinontra ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang sina­bi nina Sen. Richard Gordon at Sen. Franklin Drilon na malakas daw ang mga ebidensiyang sangkot sa ilegal na droga si PNP Chief Gen. Oscar Albayalde, dahil ayon sa kanya, base sa ginawa niyang pagsusuri sa salaysay ng mga resource persons sa Senate hearing, walang direk­tang ebidensiya na sangkot ang PNP chief sa raket ng “Ninja Cops.”

 

Mabuti pa si Sen. Lacson, kahit hindi abo­gado, alam na “hearsay” lang ang mga atake kay Gen. Albayalde kumpa­ra kina Sen. Gordon at Sen. Drilon na naturi­ngang mga abogado, ang ebidensiyang gustong gamitin laban sa PNP chief ay ang itsinitsis­mis ng mga retired generals, boom!

 

◘◘◘

 

PAG-ACCEPT NI PANELO SA ‘COMMUTE CHALLENGE’, SABLAY—Tinanggap ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang “com­mute challenge” para patunayang walang transport crisis sa Metro Manila, pero ang siste, nang isagawa na ang “commute challenge” na nag-umpisa nang alas-5:15 ng mada­ling-araw mula Marikina City hang­gang Maynila, inabot siya ng halos apat na oras sa biyahe at late siyang nakapasok kasi 8:47 ng umaga na siya nakara­ting sa Malacañang imbes na alas-8:00 ng umaga.

 

Ibig sabihin, sablay ang pag-accept ni Pa­ne­lo sa ‘commute challenge’ kasi pati siya ay nadale ng ‘transport crisis’ sa Metro Manila, he-he-he!

 

◘◘◘

 

SANDRA CAM AT SEN. DE LIMA, BA­KA MAGSAMA SA SELDA?—Nasasang­kot si PCSO Board Member Sandra Cam sa pagpatay sa kalaban niya sa pulitika na si Batuan, Masbate Vice-Mayor Charlie Yuson III sa Sampaloc, Manila.

 

Naku, kapag naging guilty si Sandra sa kri­meng ito, malamang, magsama sila sa kulu­ngan ng mortal niyang kaaway na si Sen. Leila de Lima, boom!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr