Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Niloko at iniwan? No problem... Alamin: Iba’t ibang uri ng pagmamahal na hindi lang sa BF makikita

October 12, 2019

No Problem 

 

Ngayong nalalapit na ang Pasko, siguradong marami pa rin ang kabilang sa Samahan ng Malalamig ang Pasko o SMP. Sila ‘yung mga naghahanap ng makakasama at makakayakap sa malamig na panahon. Pero, alam n’yo ba na hindi n’yo na kailangang hanapin ang pagmamahal sa ibang tao? Narito ang iba’t ibang uri ng pagmamahal na matagal nang nasa ating sarili:


1.  PAGMAMAHAL SA DIYOS. Alam nating lahat na mahal tayo ng Diyos at kahit kailan ay hinding-hindi ito mawawala sa atin. Hindi tulad ng pagmamahal ng ex mo na nawala rin. 


Awww! Mararamdaman mo sa Kanya ang tunay na pagmamahal dahil inako Niya ang ating kasalanan dahil mahal Niya tayo. 


2.  PAGMAMAHAL NG PAMILYA. Sila ang mga taong unang nagmahal, tumanggap at umintindi sa atin. 


Sila ang mga taong naging sandalan sa oras ng ating pangangailangan. 


Sa mga panahong problemado tayo rito, ipinakikita at ipinararamdam nila na mahal nila tayo.


3.  PAGMAMAHAL NG MGA KAIBIGAN.  For sure, lahat tayo ay may kaibigan na nakakasama sa kalungkutan at kasiyahan.


Sila ang karamay natin nu’ng iniwan tayo ng ex natin dahil sila ang nagbibigay ng payo sa atin. 


Sa sobrang pagmamahal ninyo sa isa’t isa, para na kayong magkakapatid. He-he-he!


4.  PAGMAMAHAL NG KATRABAHO. Kahit hindi natin sila kaanu-ano, sila ang nasa tabi natin para tumulong, anuman ang pinagdaraanan natin. 


Ingat lang kayo sa mga workmates na nagiging dyowa. Charot! Dahil nakakasama natin ang ating mga katrabaho sa halos araw-araw na pamumuhay, naging sandalan na rin natin ang isa’t isa kapag may pinagdaraanan.


Mga besh, hindi n’yo kailangang magkadyowa para makaramdam ng pagmamahal dahil nasa paligid lang natin ang mga taong totoong nagmamahal sa atin. 


Buksan lang ang mga mata at makikita ang mga taong kayang magbigay ng pagmamahal nang walang hinihinging kapalit.  


Copy?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr