Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

McCarthy ng Dyip humarurot sa opensa

October 12, 2019

 

 

Dinomina ng Columbian Dyip ang Blackwater Elite, 102-90 sa PBA Governor’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Nagtala si Rashawn McCarthy ng 25 points at limang rebounds upang ibangon agad ang Dyip mula sa pagkakadapa. Maagang nagparamdam ng lakas ang Dyip, nakaharurot agad sila ng seven-point lead, 49-42 sa halftime. Nanatili ang tikas ng Columbian sa third period kaya angat pa rin sila ng 77-67 papasok ng fourth. Hindi na pinaporma ng Dyip ang Elite sa payoff period kaya nakuha nila ang pangatlong panalo sa limang laro. Bumakas sina import Khapri Alston at super rookie CJ Perez ng tig 24 markers para sa Columbian.


Samantala, sisikapin ng TNT KaTropa na manatiling malinis ang kanilang karta pagharap nila sa tigasing Meralco Bolts ngayong ala-6:45 ng gabi sa Araneta Coliseum.


Solo sa top spot ng team standings ang KaTropa tangan ang 5-0 karta, muli nilang sasandalan ang kanilang malupit na import na si KJ McDaniels upang masilo ang six-game winning streak.


Nangalabaw si McDaniels ng 30 points, 18 rebounds at limang assists nang akbayan niya ang TNT sa panalo kontra NorthPort Batang Pier, 103-100 sa kanilang huling laban.


Galing sa matinding laban ang KaTropa at inaasahang magiging mahigpit din ang kanilang banatan kontra sa Bolts na kilalang matinik sa depensa. 


“Another tough game for us. NorthPort really made it tough for us. A little improvement on our defense, especially in  the  latter part of the game,” saad ni TNT coach Bong Ravena pagkatapos ng kanilang laban. “We just have to continue working hard, especially on defense. We have to be consistent on our defense.”


Para sa Bolts, sasandalan din nila ang kanilang momentum, galing sila sa back-to-back wins at may kartang 3-1.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr