Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Kundi dahil sa Miss U, wa' paki kahit may transwoman pa… Clint, napag-uusapan lang dahil ex-BF ni Catriona

October 12, 2019

Erlinda Rapadas / Teka Nga

  

 

Kung hindi naging ex-boyfriend ni Ms. Universe 2018 Catriona Gray ang model/actor na si Clint Bondad, for sure, hindi magiging issue kung ka­nino man siya nali-link nga­yon at hindi pag-iinteresan ng publiko kung sino ang kan­yang latest na idine-date.

 

Balitang-balita kasi na isang transwoman na billionaire at CEO sa Thailand ang bagong nauugnay sa ex-BF ni Ms. Universe Catriona Gray at proud nga ang trans­woman na si Anne JKN na ipinost ang picture nila ni Clint habang nakasakay sa Tuk Tuk nang maimbitahan doon ang Kapuso actor para sa isang modeling gig at endorsement. Kilalang-kilala kasi si Clint sa Thailand at marami siyang fans.

 

Samantala, maging dito sa Pilipinas ay may career naman si Clint Bondad bilang aktor. Malaki ang naging role niya sa katatapos lang na rom-com serye nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion, ang Love You Two. Ex-BF siya ni Jennylyn sa istorya.

 

Visible rin si Clint sa ilang TV guestings. Sa episode ngayon ng Pepito Manaloto na Bagong Bayani, si Clint ay si David Ferreira, ang kaibigan ni Pepito (Michael V.) na may claustrophobia (takot sa mga masisikip at kulob na lugar) at ayaw sumakay ng elevator.

 

Si Mimi (Nova Villa) naman ay biglang magiging hero sa paningin ng marami dahil sa pagsagip niya sa babaeng mababangga ng truck. Maoospital siya at pansamantalang magkakaroon ng amnesia.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr