Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Kubol ng mga VIP na preso, ginigiba.. Bilibid, pinasabog

October 12, 2019

 

Isang pagsabog ang naganap sa loob ng New Bilibid Prison (NBP), kahapon.


Sa inisyal na imbestigasyon ng NCRPO, alas-10:00 ng umaga nang  maganap ang pagsabog sa loob ng Quadrant 4, east sector ng Maximum Security compound ng Bilibid.


Agad pinasok ng explosives and ordnance division at K9 teams ang lugar at agad natukoy na improvised explosive device o IED ang sumabog.


Sa paghalughog ng mga awtoridad, nadiskubre ang dalawang granada at dalawang blasting caps sa loob ng mga kubol kung saan naganap ang pagsabog.


Ang insidente ay nangyari habang isinasagawa ang demolition ng mga kubol ng mga high profile inmate.


Kumpirmado naman na mga miyembro ng Abu Sayyaf Group, Maute ISIS, Rajah Solaiman at MILF ang mga nakakulong kung saan naganap ang pagsabog.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr