Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Huwag isnabin, besh... Dragon fruit, panlaban sa Arthritis, asthma, cancer, diabetes, epilepsy, etc.

October 12, 2019

 

 

 

Ang dragon fruit ay kilala ring pitayaha o strawberry pear. Iilan lang ang nakakikilala sa prutas na ito pero, napakarami nitong health benefits na siguradong ikatutuwa ninyo. Mga besh, narito ang ilan sa mga benepisyo ng dragon fruit:

 

1. PUNUMPUNO NG NUTRIENTS. Mababa ang calories nito pero, ang dragon fruit ay mayaman sa vitamins, minerals at dietary fiber na kailangan ng ating katawan. Mayroon itong 60 calories, Vitamins C, B1, B2 at B3. Gayundin mayroon itong minerals tulad ng calcium, iron, magnesium at phosphorus. Maganda rin itong source ng fiber, protein at Omega fatty acids.

 

2. PANLABAN SA MGA SAKIT. Kayang labanan ng dragon fruit ang mga sakit tulad ng arthritis, asthma, cancer, diabetes, epilepsy, heart disease, HIV/Aids at mood disorder. Dahil mayaman ito sa antioxidant tulad ng Vitamin C, betalins at castenoids. Kaya nitong i-neutralize at pigilan ang pagkasira ng cell na nauuwi sa inflammation.

 

3. MARAMING FIBER. Ayon sa mga eksperto, kada araw, inirerekomenda na magkaroon ng 38g ng fiber ang mga lalaki at 25g naman para sa mga babae. Anila, ang pagkain ng 7g ng dragon fruit ay sapat na para magkaroon ng inirerekomendang dami ng fiber.

 

4. HEALTHY GUT. Dahil may prebiotics ang dragon fruit, makatutulong ito para sa pagbabalanse ng good bacteria sa gut. Ayon sa mga eksperto, ang regular na pagkonsumo ng prebiotics ay nakapag­papababa ng risk ng impeksiyon sa digestive tract at diarrhea.

 

5. NAGPAPALAKAS NG IMMUNE SYSTEM. Ang kakayahan ng ating katawan para labanan ang mga impeksiyon ay nakadepende sa iba’t ibang factors, kabilang na ang quality ng diet. Gayunman, ang Vitamin C at careteniods sa dragon fruit ay maaaring mapalakas ang immune system para maiwasan ang mga impeksiyon sa pamamagitan ng pagpoprotekta sa white blood cells.

 

6. NAGPAPATAAS NG IRON LEVELS. Sey ng experts, 30% ng populasyon sa buong mundo ang nakakukuha ng tamang dami ng iron. Dahil dito, inirerekomenda ang pagkain ng dragon fruit dahil ang isang serving nito ay may 8% ng recommended daily intake ng iron. Ang Vitamin C na taglay nito ay nakatutulong para ma-absorb ng katawan ang iron.

 

Napakarami pala nating puwedeng makuha sa dragon fruit! Mga beshy, ngayong alam n'yo na ang health benefits ng dragon fruit, make sure na hindi ito mawawala sa mga bibilhin ninyo sa palengke, ha? Copy?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr