Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Hindi lang mga bagets ang nagkakaroon... Palaging late, madaling mawalan ng interes sa usapan ets.. Mga sign na may adult ADHD

October 12, 2019

 

 

 

Sa sobrang busy ng buhay ng mga adult, madalas ay hindi na nila prayoridad ang kanilang kalusugan  hanggang sa mapansin nila o ng mga taong nakapaligid na mayroong kakaiba sa kanila, partikular sa behavior nito. 


Alam n’yo ba na ang Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) ay kondisyon na hindi lamang sa mga bata nangyayari? 


May mga pag-aaral na maging ang mga nakatatanda ay posible ring ma-diagnose sa kondisyong ito. 


Ayon sa research, ang brain chemicals na neurotransmitters ng taong may ADHD ay hindi gaanong aktibo sa bahagi ng utak na responsable sa pagkontrol ng atensiyon. 


Walang eksaktong dahilan sa chemical imbalance, pero tulad ng ibang sakit, malaking bagay ang genes dahil karaniwang namamana ang sakit na ito.  


Narito ang ilan sa mga senyales na merong adult ADHD ang tao:


1. MADALING MAWALAN NG INTERES SA USAPAN. Kahit gaano kaimportante o ka-interesting ang topic, wala itong talab. Paliwanag ng eksperto, ang proseso sa utak nila ay ‘two steps ahead’ kumpara sa iba kaya mabilis itong mapagod sa pag-formulate ng idea. 


Kaya kung mapapansin, madali nitong ini-interrupt o tinatapos ang usapan o basta na lang ito hindi magre-response.


2. MADALAS MA-LATE.  Sa trabaho, events o anumang appointment ay madalas silang mahuli. Mapapansin din na madalas ay sunud-sunod ang kanilang late o parang naka-program na ito. 


Dahil apektado rin ng chemical imbalance ang kanilang time pattern.  


3. DISTRACTED. Hirap silang mag-umpisa o tumapos ng gawain, ‘yung tipong aabutin ng siyam-siyam bago sila makatapos ng babasahin o TV series dahil nahahati ang oras nito sa iba’t ibang gawain. 


Take note, magkaiba ito sa ‘multitasking’ dahil literal silang nadi-distract kaya nababaling sa iba ang kanilang atensiyon. 


4. HYPER  FOCUS. Sa kabila ng pagiging ‘distracted’, minsan, ‘hyper focus’ din sila, lalo na kapag nag-e-enjoy sa isang bagay. Halimbawa, kapag singer, dancer o musician sila, madali nilang makabisado ang lyrics ng kanta o choreograph ng sayaw. 


5. HIRAP MAG-HANDLE NG PAGBABAGO. Kabilang sa mga hirap gawin ng mga nakatatandang may ADHD ay ang pagharap sa malaking pagbabago tulad ng pag-uumpisa sa bagong career, pagbabago ng estado ng pamumuhay at iba pa. Kailangan nila ng sapat na panahon para masanay, makapag-adjust o kayanin ang pagbabago ng nakasanayang sistema.


6. PALAGING BINABAGO  ANG CHANNEL NG T.V./STATION NG RADYO. Ang paglilipat ng channel sa T.V. o station sa radyo, maya’t mayang pagtse-check ng cellphone, madalas na pagsipol ay ilan lamang sa mga karaniwan at hindi gaanong napapansin na senyales ng ADHD sa mga adult. 


Ayon sa mga eksperto, ito ay sanhi ng biglaang pagtaas ng stimulation na dulot pa rin ng chemical imbalance sa kanilang utak.


Bawat isa ay may kani-kanyang pinagdaraanan, simpleng drama man ito o sensitibong sitwasyon.


Pero tandaan, ang simpleng bagay ay posibleng mauwi sa malaking suliranin kaya habang maaga, dapat meron tayong ginagawa para masolusyunan ito.


Huwag na nating hintayin na makaapekto ito sa ating pang-araw-araw na buhay, huwag tayong mahiyang magpakonsulta sa doktor o eksperto para mabigyan ng kaukulang diagnosis. Copy?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr