Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Hinamon, nag-commute, suko sa trapik.. Work from home! — Panelo

October 12, 2019

 

Kumbinsido ang Malacañang na makatutulong sa pagpapaluwag ng trapik sa Metro Manila ang istriktong implementasyon ng ‘Telecommuting Act’ o ‘Work from Home’ Law.


Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat ipatupad ang isang batas anuman ang sitwasyon.


“Since may batas, dapat i-implement. Whether it’s time or not, batas ‘yun, eh. I-enforce natin,” dagdag pa ng Kalihim.


Matatandaang, Disyembre 20, 2018 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Telecommuting Act na layuning kilalanin ang paggamit ng teknolohiya bilang isa sa mga working arrangements lalo na ng mga nasa pribadong sektor.


Aniya, kahit sa bahay magtrabaho ang mga empleyado na  gumagamit ng telecommunications ay makatatanggap pa rin ng kaparehong prebilehiyo ng mga nasa lehitimong opisina.


Samantala, halos inabot ng apat na oras ang biyahe kahapon ni Panelo patungong Malacañang makaraang tanggapin nito ang hamon ng ilang grupo na mag-commute.


Bandang alas-5:00 ng madaling-araw nang magpadala ng litrato si Panelo na may hawak na diyaryo habang nakasakay sa jeep, bilang patunay na ginawa niya ang hamon ng Anakbayan at Kilusang Mayo Uno.


Mula alas-5:15 ng madaling-araw naghintay ng jeep si Panelo sa Concepcion, Marikina, batay sa kuha ng netizen. Sinubukan niya ring umiwas sa mga media.


Tatlong jeep mula Marikina City hanggang Quezon City ang nasakyan ni Panelo bago siya namataan sa Cubao Station ng Light Rail Transit-2. 


Nangako noon si Panelo na gagamit ng  jeepney at LRT papuntang Malacañang pero, napilitang mag-jeep pa-Mendiola sa Maynila nang makahabol ang ilang media sa kanya sa Gilmore Avenue.


Nakarating sa loob ng 30 minuto si Panelo sa Mendiola mula Cubao at nakatanggap ng alok na sakay ng motorsiklo na si Ronaldo Rosales ng San Juan, Batangas, nagtatrabaho sa Manila City Hall.


Alas-8:46 ng  umaga nang makarating si Panelo sa Malacañang ilang minutong lagpas sa kanyang target arrival na alas-8:30. Aminado si Panelo na nahirapan siya pero, inasahan naman umano niya ito. 


Nanindigan din ang Kalihim na walang transport crisis, sa kabila ng pahayag ng mga opposition group.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr