Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Gold sa floor exercise finals, babantan ni Yulo

October 12, 2019

 

 

Tatargetin ni Carlos Edriel Yulo ang ginto sa floor exercise ngayong Sabado sa 49th FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Hans Martin Schleyer Halle habang nakatitiyak na siya sa tiket sa 2020 Tokyo Olympic Games. 


Sa laban na ito ni Yulo na pinondohan ng Philippine Sports Commission ay pakay niyang lampasan ang bronze medal na nakuha niya sa nakaraang edition ng Doha, Qatar, 2018. 


Bagamat may kalamigan ang klima sa German City, tiyak na iinit ang aksiyon sa loob ng arena tampok ang top 24 finalists sa men’s and women’s divisions, naroon din ang  celebrated American gymnast na si Simone Biles, na babanat ng 4 p.m. (10 p.m. Manila time).   


“Gusto ko po talaga maka-gold ngayon. Para sa aking pamilya at kay coach Mune,” ayon sa soft-spoken athlete nang makuwalipika siya sa event para sa seventh overall  taglay ang high score na 14.633 points, mas mataas sa kanyang bronze-medal score na 14.600 sa Doha.


Mapapasabak din siya laban sa iba pang bigating finalists kasama na sina Israel’s Artem  Dolgopyat, na siyang naging topnotcher sa  qualifiers na may 15.033 points.    


Tumapos na 5th overall si  Dolgopyat, ang two-time floor exercise silver medalist sa European championships, sa nakaraang world meet sa Doha na siyang target na talunin ni Yulo.


Ang slot na rin niya sa men’s all-around event para sa 2020 Tokyo Olympics ang siyang babaunin ni Yulo upang maka-podium finish ngayong araw at inaasahang ginto ang kanyang makukuha.                             

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr