Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Fighting Maroons, uulitin ang tibay vs. Red Warriors

October 12, 2019

 

 

Mapatatag ang kapit sa ikalawang puwesto ang tatangkain ng University of the Philippines sa muli nilang pagtutuos ng University of the East ngayong hapon sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament sa MOA Arena. Hawak ang kartadang 5-3, panalo-talo muling sasagupain ng Maroons ang Red Warriors sa tampok na laro ng 4:00 p.m. 


Magtatangka ang Fighting Maroons na ulitin ang 62-56 na panalo nila sa Warriors noong first round upang manatiling nagsosolo sa ikalawang puwesto kasunod ng defending champion at undefeated Ateneo Blue Eagles (9-0) at makabangon sa nalasap na dalawang sunod na kabiguan. Sa kampo ng Red Warriors, sisikapin din nitong makabalik ng win column matapos mabigo sa kamay ng University of Santo Tomas noong Okt. 9, 73-101 na pumutol sa itinala nilang back-to-back wins.


Sa unang laban, magtatapat ng 2 p.m. ang bumubulusok na Adamson at ang cellar dweller National University. Parehas na nasa  bottom 4,  magkukumahog makaahon ng Falcons sa kinasadlakang tatlong dikit na kabiguan upang makakalas sa pagkakatabla nila ng UE sa markang 3-6 habang tatangkain ng Bulldogs (2-7) na dugtungan ang naiposteng 85-79 na overtime win nila kontra Tamaraws noong nakaraang Miyerkules.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr