Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Entrance exam sa state universities, walang bayad

Dr. Persida V. Rueda-Acosta / Magtanong Kay Attorney

 

Dear Chief Acosta,

Mayroon bang bayad ang college entrance examination ng state universities?  — Anabelle

 

Dear Anabelle,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 7 ng Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 10931 o mas kilala bilang “Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017” kung saan nakasaad na: 

 

“Section 7. Benefits. All students availing themselves of the free higher education provision shall be entitled to: 

 

Xxx

 

(b) free miscellaneous, other school fees, and similar or related fees, which include:

  1. library fees 

  2. computer fees

  3. laboratory fees 

  4. school ID fees 

  5. athletic fees 

  6. admission fees 

  7. development fees 

  8. guidance fees 

  9. handbook fees 

  10. entrance fees 

  11. registration fees 

  12. medical and dental fees 

  13. cultural fees”

Sang-ayon sa nabanggit na alituntunin, hindi na kinakailangang magbayad ng entrance examination fee ang mga estudyanteng mag-a-apply sa kolehiyo sa itinalagang state universities and colleges o SUCs.  

 

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisa­laysay sa inyong liham at sa pagka­kaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormas­yong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

 

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr