Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

'Di pa man nagpo-propose sa kanya... Han Areum, inilantad na ang mister-to-be na padir ng anak

October 12, 2019

Lee Vin Nia / K-Buzz

 

 

SA kauna-unahang pagkakataon ay ipinakilala na ni Han Areum sa publiko ang kanyang non-showbiz fiancé na si Kim Young Geol.


Nag-guest ang dalawa sa Section TV ng MBC kung saan ay pinag-usapan nila ang kanilang upcoming wedding.


For the first time rin ay nag-reveal ng ilang detalye ang former member ng T-ara tungkol sa kanyang mapapangasawa.


“My fiancé is 28 years old, and he’s a businessman. I haven’t received a proposal yet. He hasn’t proposed to me. Do people normally not propose?” sabi ni Areum.


Sa Korea kasi ay mas nauunang pinagkakasunduan ng isang couple ang kasal at pagkatapos ay saka pa lang susunod ang proposal na optional naman din at kung gusto lang ng guy.


Paliwanag ng fiance ni Areum, kung nasunod daw kasi ang unang plano na sa Feb. 2020 sila ikakasal, balak niya raw sanang mag-propose ngayong Christmas. Kaso nga ay nabuntis ang singer kaya naiba ang plano at sa halip, ngayong October na sila pakakasal.


“It hasn’t been long since we learned about (Han Areum’s) pregnancy. I was originally going to propose on Christmas, and I even looked into a location for the proposal. I’m thinking of doing it soon,” pahayag ni Kim Young Geol.


Natanong si Areum sa kanyang pagbubuntis and she informed na 6 weeks pregnant na siya at 2 inches na ang size ng baby sa kanyang tummy.


Ayon naman sa ama ng baby, excited na siyang makita ang kanilang  anak.


Areum also revealed na ang nickname raw ng baby nila ay Miracle.


“We hope that the baby only experiences happiness and miracle-like events. I hope that the baby is half like my husband and half like me. Since we’re getting married, please congratulate us,” sey ni Areum.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr