Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Chief pilot na kinasuhan ng harassment ng 3 stewardess, kapit-tuko sa puwesto, bossing ng airlines, dedma lang

October 12, 2019

Ka Ambo / Bistado

 

Mula nang mauso ang selfie at groupie, nahilig na ang mga Pinoy na magbiyahe-biyahe.

 

‘Yan ay para magamit ang aktibidad sa pagpo-post sa social media!

 

◘◘◘

 

NAGSASAWA na ang mga ito na i-post ang kanilang mga aktibidad sa loob ng bahay.

 

Nakapag-selfie na sila sa lahat ng bahagi ng kanilang bahay at lahat na rin ng klase ng ulam na niluto sa kusina ay nai-post na rin nila!

 

◘◘◘

 

NAGSASAWA na rin sila sa mismong content ng kanilang selfie kaya ‘yung mga may datung, biyahe nang biyahe.

 

Lumalakas tuloy ang aviation industry at maging ang turismo!

 

◘◘◘

 

MAY nag-text sa atin tungkol sa isang chief pilot na may nakabimbing kaso.

 

Siya ngayon ang “bida” sa aviation industry!

 

◘◘◘

 

NAGTATAKA ang kapwa niya piloto kung bakit nananatili sa puwesto ang “hepe” kahit retirado na ito?.

 

Bakit daw kinukunsinti ito sa pagkakapit-tuko sa kanyang pu­westo at ayaw pang “bumaba”?

 

◘◘◘

 

TIPONG nandidiri sa kanya ang mga kapwa piloto.

 

Kapalmuks na ang tawag sa kanya!

 

◘◘◘

 

TATLONG flight attendants ang nagsumite ng pormal na reklamo sa pangha-harass nito sa kanila.

 

Ginamit na pruweba laban sa hepe ang mismong mensahe nito sa text at Viber!

 

◘◘◘

 

NAGLAKAS ng loob ang tatlong flight attendants na magsampa ng kaso laban sa piloto, pero dinededma lang sila ng may-ari ng airline.

 

Bakit kaya ito kinukunsinti ng kanilang mga bossing?

 

◘◘◘

 

NABABAHALA na ang kanilang mga kasamahan na maaaring makaapekto ito sa integridad ng kanilang airlines.

 

Aba, sana, aksiyunan ito ng mga kinauukulan bago mahuli ang lahat!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr