Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Bukod sa mukha at fingerprint... Ugat sa kamay puwede nang gamiting I.D. System

October 12, 2019

Gulat ka 'noh?!

 

Sa patuloy na pagdi-develop ng teknolohiya sa iba’t ibang panig ng mundo, kung anu-anong imbensiyon ang pumapatok, lalo na kung may kaugnayan sa seguridad. 


Pero, alam n’yo ba na may bagong identification system kung saan ugat sa mga kamay ang ginagamit? Weh, ‘di nga?


Sa paglipas ng mga taon, pumatok ang fingerprint identification para sa mga smartphone at sumunod ang facial recognition dahil sa unique features ng bawat tao at ito ang nagbibigay ng seguridad sa kanilang devices.


Dahil dito, maraming tech companies ang nakapokus sa fingerprint at face recognition. Pero, may Chinese company na nakaimbento ng mas accurate na identification system base sa micro traits ng mga ugat sa kamay. Ito ay ang kumpanyang MELUX at ang identification system na na-develop nila ay tinawag na AirWave. 


Ang AirWave ay epektibong identification system kung saan million times itong accurate kung ikukumpara sa face recognition technology. 


Ito ay dahil may 80 hanggang 280 points sa mukha ang kayang i-assess ng Artificial Intelligence (AI) pero ang AirWave ay may kakayahang mag-scan  ng higit isang milyong micro-feature points ng palad sa loob lang ng .3 segundo. 


Ang simpleng pag-swipe ng kamay sa special sensor ang kailangan para makakuha ng ultra-accurate authentication at authorization.


Ayon sa founder ng MELUX, kayang i-analyze ng AI ang lahat ng ugat, mula sa major veins hanggang capillaries. Dagdag pa rito, tulad ng fingerprints, ang  major veins at capillaries ng bawat tao ay sadyang magkakaiba rin.


Ang AirWave ay ini-launch noong 2018 at ito ang karaniwang ginagamit sa mga cafeteria at government public service area sa China.


Wow, Akalain n’yo ‘yun? Ibang-iba na talaga ang teknolohiya ngayon dahil napakarami nitong kayang gawin. Dahil sa kakaibang feature ng identification system na ito, siguradong mapakikinabangan ito sa buong mundo. Copy?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr