Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

British army-boxer, susubukin ang tibay ni Petecio sa semis

October 12, 2019

 

 

Masusubukan ang tatag ng mga kamao ni Southeast Asian Games-bound Nesthy Petecio laban sa British Army-boxer na si Kariss Artingstall, Sabado ng gabi, sa semifinal round ng  2019 Women’s Boxing Championships, Martes ng hapon, sa Ulan-Ude, Russia.

 

Ang 27-anyos na 2014 World Championship silver winner ay nakasisiguro na ng bronze medal matapos ma­katawid sa semifinal round ng featherweight division ng daigin si Sena Ire ng Japan. 4-1 sa quarterfinal match up nito.  

 

Sunod na makakatapat ng tubong-Santa Cruz, Da­vao del Sur ang 24-anyos na Gunner ng 1 Royal Horse Artillery ng Inglatera na nag­wagi  laban sa 2016 Rio Olympics campaigner na si Yodgoroy Mirzaeva ng Uz­bekistan.

 

Sa pagtuntong sa semi­finals round, iwinasiwas muna ng 2015 Incheon  Asian Games campaigner ang mga panalo nito kina Chinese boxer Qiao Jieru sa round of 16 ng preliminary rounds sa iskor na 3-2, ang Olympian, World at European cham­pion na si Stanimira Petrova ng Bulgaria, 3-2 sa round of 32, habang sa panimulang laban nito sa round of 64 eli­mination round kay Jucielen Romeu ng Brazil, 3-2.

 

Sakaling magwagi ang 2015 Asian Amateur silver medal winner laban kay Ar­ting­stall sa semis ay maka­katapat nito sa champion­ship round ang mananalo kina Lin Yu-Ting ng Chinese Taipei.

 

Si Petecio na lang ang nananatiling Pinay pug sa kom­petisyon matapos na ma­laglag sa laban si bantam­weight Aira Villegas, Huwe­bes ng gabi, laban kay Huang Hsiao-Wen ng Chinese Tai­pei, 0-5 sa q’finals. 

 

Tanging ang mga naka­pasok lang sa semis ang magkakaroon ng tsansa sa medalya.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr