Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Aray ko! 'Di na nga makabalik sa TV… Negosyong itinayo ni Kris, sarado na

October 12, 2019

Julie Bonifacio / Winner!

 

 

 

And speaking of Kuya Boy, panay ang taping ng mga Kapamilya shows niya. Nakatakda kasing umalis ng bansa si Kuya Boy para mag-host ng isang event sa New York. Parang ito lang yata ang sinasamantalang annual vacation ni Kuya Boy para makapag-unwind at maka­pag-recharge naman.

 

Sinasamantala na rin kasi ni Kuya Boy ang hosting stint niya sa New York to celebrate his birthday every 29th of October sa land of apple with his long-time partner and PAGCOR executive na si Bong Quintana.

 

Nakapag-tape na si Kuya Boy ng kanyang birthday episodes para sa news and current program show niyang The Bottomline.

 

Last week, kagagaling lang ni Kuya Boy from Japan. Trabaho rin ‘yun for him dahil he interviewed Angelina Jolie para sa promo naman ng movie ng ex-wife ni Brad Pitt, ang Maleficent 2.

 

Samantala, nominado para sa dalawang kategorya si Kuya Boy sa magaganap na Star Awards for TV this Sunday. Nominated siya for Best Celebrity Talk Show Host at Best Public Affairs Show Host. At the same time, pasok din sa nominasyon ng Best Celebrity Talk Show ang Tonight with Boy Abunda at ang The Bottomline sa Best Public Affairs Show.

 

Si Kris Aquino naman ang tatanggap ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award.

 

Sad to say, hindi ra makakarating si Kris para personal na tanggapin ang kanyang award. Pero ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby daw ang papupuntahin ni Kris. Why kaya?

 

Sayang, kasi it will be her chance sana na makita ulit in public and on TV ng kanyang mga fans at ‘di lang sa social media account niya.

 

Unless, baka naman may mabago pa rin at maisipan ni Kris na dumalo kasama ang kanyang mga anak on stage sa pagtanggap ng kanyang award.

 

Ooops, teka lang, we wonder what happened sa Nacho Bimby’s stores ni Kris. When we passed by kasi sa cinema level ng SM North The Block section ay napansin namin na sarado na ang dating outlet ng Nacho Bimby’s doon.

 

Under renovation ata. Kaya lang, wala nang ‘Bimby’ sa tarpaulin na nakapalibot sa area ng outlet at ‘yung original name ng kilalang kiosk store ang nakalagay.

 

Ano ‘to?  Pati negosyong itinayo ni Kris, isa-isa na ring nawawaley?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr