Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

33-anyos na takot tumandang dalaga, magkaka-BF kung magsusuot ng pula at lalagyan ng puso ang pirma

October 12, 2019

Maestro Honorio Ong

 

Dear Maestro,

Gusto kong malaman kung kailan  ako ma­ka­pag-aasawa?

Nagtataka ako dahil umabot ako sa edad na 33 at hindi pa ako nakaranas na magka-boyfriend kahit isang beses kahit may hitsura naman ako.

May pag-asa pa kaya akong makapag-asawa at kung mayroon, kailan kaya ito mangyayari? De­cember 6, 1986 ang birthday ko.  

 

Umaasa,

Vhi ng San Benito, Victoria, Laguna

 

Dear Vhi,

Ayon sa birth date mong 6, sa destiny num­ber na nagkataong 6 din (12+6+1986=2004/ 20+04=24/ 2+4=6) at sa zodiac sign na Sagittarius, para magka-boyfriend ka at makapag-asawa, palagi kang magsuot ng kulay pula.

 

Bukod sa pag-aasawa at pagkakaroon ng boyfriend, ang kulay pula ang hihigop at hahatak ng dagdag na suwerte at magagandang kapalaran sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.

 

Sa sandaling nagawa mo iyan, habang nasa trabaho ka, lulutang ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran na maaaring isinilang sa buwan ng Mayo o Hunyo.

 

Sa sandaling siya ay dumating, hindi mo na siya dapat pang pakawalan.

 

Sadyang magiging mapalad naman ang iyong ka­ranasan mula sa ika-18 ng Setyembre hanggang sa ika-21 ng Disyembre, gayundin mula sa ika-18 ng Mayo hanggang sa ika-21 ng Hunyo.

 

Sa mga panahong nabanggit, dapat kang lumabas ng bahay at kapag papasok sa trabaho, dagdag na pagpapaganda ang iyong ipatupad at pagpapapungay ng iyong mga mata.

 

Dahil ang iyong mga mata ang aakit ng positibong kapalaran, lalo na sa larangan ng pag-ibig at romansa.

Samantala, mabuti ring lakihan mo ang pagkakasulat ng iyong lagda at tapusin mo ito sa cute at hugis-pusong letrang “O”.

 

Sa ganyang paraan, lalakas ang iyong karisma at libido na siyang aakit sa lalaking makakasama mo, habambuhay.

 

Habang, ayon naman sa iyong Love Calendar, hindi ka tatandang dalaga kung susundin mo ang mga simpleng rekomendasyon na binanggit na sa itaas.

 

Tiyak ang nakatakda, sa taong 2020 sa edad mong 33 pataas, makapag-aasawa ka na habambuhay na ma­giging maligaya.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr