Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

3 patay sa sunog

October 12, 2019

 

Tatlo ang nasawi makaraang masunog ang isang bahay sa Katipunan Ave., Quezon City, kahapon.


Ayon sa Bureau of Fire Protection, natagpuan ang katawan ng 35-anyos na caregiver sa unang palapag ng bahay. Ang ikalawang biktima na edad 40, na anak ng may-ari ng bahay ay natagpuan namang nakaupo sa CR sa  ikalawang palapag.


Hindi pa matukoy ang  isa pang bangkay na natagpuan malapit sa exit sa unang palapag.


Ayon sa kasambahay na si Melende Allegre, bandang alas-2:00 ng madaling-araw nang sumiklab ang sunog sa bahagi ng kusina. 


Nakalabas siya at ang kusinerang si Yolanda Sebrano na nagtamo ng second degree burns sa iba’t ibang katawan, saka sinubukang humingi ng tulong ngunit, pagbalik ay malakas na ang apoy.


Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago naapula makalipas ang kalahating oras.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr