top of page
Search
  • Jersey Sanchez

Relate ka ba, besh? Mga dahilan kaya hirap maging kaibigan ang Ex

Lahat tayo ay may kani-kanyang opinyon pagdating sa pakikipagkaibigan sa ex. Kapag marami na kayong pinagdaanan nang magkasama at hindi pa nawawala ang feelings, hindi nawawala ang tsansa na maging mag­kaibigan pa kayo.

At para sa iba, madali itong sabihin pero mahirap gawin. Bakit kaya? Mga besh, narito ang ilang dahilan:

1. ATTACHMENT STYLE. Ayon kay Dr. Anna Hiatt Nicholaides, Psy. D., ang pagkakaroon ng attachment sa ating mga magulang ay nag­sisimula noong isinilang tayo. Ang attachment na ito ay nang­yayari kapag nagsisimula ta­yong maging romantic at mag­karoon ng karelasyon at tina­tawag itong “romantic attach­ment”. Sey ng experts, ang at­tachment na ito ay kasinglakas ng attachment na mayroon tayo sa ating mga magulang mula nu’ng tayo ay bata pa.

Dagdag pa ni Nicholaides, ito ang dahilan kung bakit ang koneksiyon sa romantic partner ay parang “life-and-death”. Kapag wala nang romantic relationship, ang attachment na ito ang dahilan ng “pagke-crave” o paghahanap sa stability na naranasan mo noon. Kapag naramdaman mong minahal ka ng ex mo, maaaring panghawakan at hahanap-hanapin ang feelings na ito kahit wala na kayo.

2. HINDI PA NAGHIHILOM ANG SUGAT. Awww! Sa pag-aaral na na-published sa The Journal of Positive Psy­chology, napag-alaman na kadalasang nakaka-move on ang tao tatlong buwan pagkatapos ng break-up. Kung mas matagal ang naging relasyon, maaaring higit pa sa tatlong buwan. Ga­yundin, kung hindi ka pa nakaka-move on, siguradong mahirap makipagkaibigan sa iyong ex, lalo na kung ikaw ay nasaktan nang sobra.

Ayon kay Dr. Sanam Hafeez, minsan, kailangan ng mata­gal na panahon para maghilom ang sugat mula sa nakaraan. Kahit nagtapos sa maayos na paraan o mutual decision ang nangyari, hindi basta-bastang nawawala ang sakit.

3. UMAASA PANG MAGKABALIKAN. Ang pagtatapos ng relasyon ay hindi madali, pero mas mahirap ma­natiling magkaibigan ang da­ting mag-partner, lalo na kung ang isa sa kanila ay hindi pa naka­ka-move on.

Base sa pag-aaral na na-published sa Journal Relation­ships noong 2011, may apat na rason kaya pinipili ng iba na manatiling kaibigan ang kanilang ex—security, practical reasons, civility at unresolved attraction.

Ang mga taong may “unresolved romantic desire” ay ma­saya kapag naging kaibigan nila ang kanilang ex.

Napag-alaman ng mga eksperto na ang mga tao na pini­ling maging kaibigan ang kanilang ex o naging civil dahil sa prac­tical reasons ay nagkaroon ng maayos na pagkakaibigan.

Ang pananatiling magkaibigan ng mag-ex ay hindi para sa lahat. Kapag ikaw ay in love o attached pa rin, pag-isipang mabuti kung makabubuti ito sa iyo dahil minsan, sanhi rin ito ng pagkakagulo, lalo na kung may bagong partner ka na. Copy?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page