top of page
Search
  • Imee R. Marcos

DTI, konsyumer ang kampihan, 'wag mga bigtime na negosyante

DTI, konsyumer ang kampihan, 'wag mga bigtime na negosyante

Papalapit na nang papalapit ang Christmas at knows naman natin kapag malapit na ang Kapaskuhan, marami na namang mga ma-chuchubang negosyante na ang dali-dali na lang nagtataas ng presyo ng kanilang mga produkto para tiba-tiba sa kita. Nakakaloka, ‘di ba?

Kaya naman as early as last month, nanawagan tayo na kung puwede, imbes na itaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin, bakit hindi na lang magpatupad ng “price freeze” sa mga bilihin ngayon hanggang sa Kapaskuhan?

Ewan ko lang kung nakikinig sa ating panawagan ang Department of Trade and Industry (DTI) na bantayan nang maigi ang mga mapagsamantalang negosyante at itigil muna ang planong pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Posibleng nakinig ang DTI, pero ang tanong, kaya ba nilang suwetuhin ang mga pasaway na negosyante? Baka magtengang-kawali na naman ang DTI?

Kaya sana ay stop muna ang taas-presyo sa mga pangunahing bilihin. Hindi naman siguro ito makaaapekto sa ‘higanteng tubo’ ng mga negosyante kumpara sa maliit na sahod na tinatanggap ng mga simpleng empleyado.

Huwag sanang kampihan ng DTI ang mga negosyante. Huwag silang maging anti-consumer!

Sana, ipakita nila ang kanilang pagmamalasakit sa ating mga kababayan na madalas ay kapos ang badyet.

At wala rin tayong nakikitang matibay na dahilan o batayan kung bakit kailangang magtaas ng presyo ng kanilang produkto ang mga negosyante.

Ang pakiusap lang natin ay mag-price freeze muna ngayong mga huling buwan ng taon. Sandali lang ito, pero tiyak na napakalaking tulong sa lahat ng mamimili.

Sa tingin natin, makapaghihintay ang mga negosyante sa kanilang gagawing price increase, ‘di ba?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page