Sa may Kaarawan ngayong Oktubre 2, 2019 (Miyerkules): Kahit ang mga suwerte ay nagdaratingan sa buhay mo, kailangan mo pa ring magsikap dahil mas matamis ang bunga ng pinagsikapan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makadarama ka ng kakaibang sigla na malinaw na senyales na gaganda na ang takbo ng kabuhayan mo. Kung ano ang naging plano, iyon ang ipatupad mo at huwag nang baguhin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-14-22-25-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sakyan mo lang ang agos ng iyong kapalaran. Iisa lang ang patutunguhan nito kung saan sa huli ay hawak-hawak mo na ang katuparan ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-15-29-30-31.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka pa magsasawa sa pagsasaya dahil makikita ang saya at ikaw ay iisa. Ang lungkot ay malayo sa iyo kung saan kahit lumapit ito ay mananatiling masaya ang buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-25-27-39-45.
CANCER (June 21-July 22) - Magpapatuloy ang magandang kapalarang tinatamasa mo sa ngayon. Pero, may pagkakataon na pansamantala itong mababago. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-22-28-30-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kunin mo ang para sa iyo at huwag mong kunin ang hindi sa iyo. Sa ganito, malalayo sa iyo ang mga problema at maglalapitan ang magagandang oportunidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-25-28-36-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumayo ka sa malulungkutin dahil ang lungkot ay tulad ng sakit na nakahahawa. Lumayo ka rin sa paladaing dahil ang mga ito ay nakahahawa rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-29-36-39-40-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magsuot ka ng masaya at susuwertehin ka. Magsuot ka ng malungkot at lulungkot ka. Kung ano ang larawan mo, iyon ang magiging kapalaran mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-20-25-39-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdagan mo pa ang pagsisikap mo nang hindi masayang ang mga araw sa kasalukuyan at gumaganda nang gumaganda ang takbo ng panahon sa pagpapaunlad ng kabuhayan mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-20-25-26-35-37.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang lumagay sa posisyon na ikaw ay mahihirapan. Piliin mo ang posisyon kung saan ka madadalian. Walang tao na gustong mahirapan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-26-30-32-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magpasalamat ka sa nasa itaas dahil binibigyan Niya ng katuparan ang mga kahilingan mo na pagandahin ang buhay mo at ng malalapit sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-26-28-39-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngiti lang ang sikreto para magbago ang buhay mo at mawala ang hindi magandang pangyayari na sumasaiyo. Kaya ngumiti ka na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-17-19-24-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bago ka magpasya, mag-isip ka nang mabuti. Hindi ka dapat matangay sa magaganda at matatamis na salita. Sapat na ang mga karanasan mo para hindi ka muli pang madaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-18-23-27-44.