top of page
Search
  • Bulgar Info

Kaalaman ukol sa Diphtheria


Ano ang Diphtheria?

Kaalaman ukol sa Diphtheria?

Patuloy ang pagtutok ng Department of Health (DOH) sa mga biktima ng diphtheria at magsasagawa rin ng imbestigasyon kung ano ang rason sa pagdami ng kaso ng nasabing sakit.

Sakit na diphtheria, ikina­matay ng 10-anyos na bata sa Sta. Ana

Manila Health De­part­­ment — Sakit na diphtheria ang ikina­matay ng 10-anyos na batang lalaki sa Sta. Ana, Manila.

Ayon kay Dr. Edgar Santos, dinala ang bata sa Sta. Ana Hospital noong Biyer­nes pero, agad ding namatay.

Ilang araw na umano itong nilalagnat at na­mamaga ang lalamunan na sintomas ng diphtheria.

Nanawagan sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak para hindi kapitan nito.

Sinabi rin nito na naka­kahawa ang diphtheria lalo na pag-umubo at sa mga gamit na nahawakan ng kon­taminado ng sakit.

Samantala, sinabi ni DOH Medical Specialist Anthony Calibo, mayroon na ring naiulat na kaso ng diphtheria sa ilang rehiyon kabilang ang Cordillera Ad­ministrative Region (CAR).

Ito ay isang seryosong bac­terial infection sa lalamu­nan, dila at ilong.

Nabatid na ang diphtheria ay isang sakit na maaaring magdulot ng heart failure da­hil napipinsala ng toxins nito ang puso, utak at kidney.

40 sa 167 namatay sa diphtheria, dahil sa takot magpabakuna

Kumpirmadong diphtheria ang ikinasawi ng 10-taong gulang na bata sa Maynila.

Ang Grade 4 pupil ay nilagnat, nakitaan ng rashes at singaw sa bibig at matapos ang halos isang linggo, namatay ang bata.

bakuna

Kaugnay nito, muling hinimok ng gobyerno ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak kontra sa nasabing sakit. Siguruhing nakatanggap ng kumpletong bakuna sa unang taon pa lang.

Bukod sa bakuna, mayroon din umanong nakahandang antibiotics kontra sa sakit. Kabilang sa mga sintomas ng sakit na ito ay ang pakiramdam na may makapal na nakabalot sa likuran ng lalamunan na maaaring mauwi sa mga problema sa paghinga, pagkaparalisado at pagpalya ng puso.

Isa pa sa mga dapat ingatan ay ang pagkalat nito.

Nakahahawa ang diphtheria, lalo na kapag umubo o sa mga gamit na nahawakan ng kontaminado ng nasabing sakit.

Batay sa ulat, mula Enero hanggang Setyembre, nakapagtala na ng 167 kaso ng diphtheria sa bansa kung saan 40 ang nasawi.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na patuloy ang kanilang pagtutok sa mga biktima ng diphtheria at magsasagawa rin ng imbestigasyon kung ano ang rason sa pagdami ng kaso ng nasabing sakit.

Maaaring isa sa mga dahilan ay ang mababang immunization coverage.

Hindi maitatangging may mga natatakot pa rin o nahihirapang magtiwalang muli sa bakuna dahil sa kontrobersiyal na dengue vaccine.

Gayunman, paano kung ang sakit na nakamamatay tulad ng diphtheria ay puwede naman palang maiwasan kung napabakunahan lang sana ang anak?

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page