top of page
Search
  • ROMA AMOR

Kaklaseng mahirap pakisamahan dahil may sariling mundo

Dear Roma,

Ako si Anita, 22 years old. Mayroon akong kaklase na napakahirap intindihin. Sobrang lalim niyang tao at ayaw niyang makipag-usap sa iba at palagi niyang inilalayo ang sarili niya sa amin. Kahit ilang beses na namin siyang hinikayat na maki-jive sa amin, wa’ epek pa rin. Bakit kaya mayroong mga ganitong klase ng tao? Minsan, parang kill-joy na rin kasi siya na pa-mysterious masyado. — Anita

Anita,

May mga tao talagang mas kom­portableng maging mapag-isa. Sigu­ro, base na rin sa mga karanasan niya sa buhay kaya mas pinipili niyang ilayo ang sarili niya sa mundo. Ga­yun­din, makabubuti siguro na haya­an n’yo na siya ang lumapit sa inyo dahil baka mas komportable siya sa ganu’ng paraan. For sure, darating din ang panahon na matututunan niyang makisalamuha. ‘Yun lang!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page