Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pirates, 'di pinaporma ang Blazers

September 21, 2019

 

Nakamit ng Lyceum of the Philippines ang napakahalagang tagumpay sa College of Saint Benilde, 85-83, sa pagbabalik ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa Fil Oil Flying V Centre Biyernes.

 

Sinemento ng Pirates ang kanilang hawak sa ikalawang puwesto sa kanilang ika-siyam na panalo sa 12 laro habang pansamantalang bumagsak ang Blazers mula sa Final Four sa kartadang 6-5.

 

Nagsama sina Mike Harry Nzeusseu, Niño Ibanez at Jaycee Marcelino para sa 20 puntos sa 3rd quarter ngunit tatlong puntos lang ang kanilang lamang, 69-63.

 

Kinailangan pa magtrabaho nina Nzeusseu at Marcelino sa huling quarter upang pigilin ang mga tangka ng Blazers na humabol.

 

Nagtapos si Marcelino na may 22 puntos.

 

Sinuportahan siya ni Nzeusseu na may 14 puntos at 10 rebound at Ibanez na may 11 puntos.

 

Sa unang laro, nagsimula ang Mapua University ng bagong winning streak matapos pabagsakin ang Emilio Aguinaldo College, 79-76.

 

Umakyat sa 5-6 ang Cardinals habang lalong bumaba sa ilalim ng liga ang Generals sa 1-11.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr