top of page
Search
  • ROMA AMOR

Litung-lito, hindi malaman kung girl o guy and dapat mahalin


Dear Roma, Ako si Lyndon, 25 years old. Sumulat ako sa inyo dahil hindi ko maintindihan kung ano ang gusto ko. Nagmahal ako ng babae na halos nasa kanya na ang lahat, pero nasaktan ako. Dahil dito, itinigil ko ang pakikipagrelasyon at nag-focus ako sa trabaho. Pagkatapos nu’n, nagmahal ako ng lalaki dahil sa pag-aakalang ‘yun ang gusto ko at para hindi matulad sa unang karanasan ko noong nagmahal ako ng babae. Bigla siyang nawala at hindi na muling nagparamdam, pero hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin siya. Ngayon, may natitipuhan akong babae pero naiisip ko na baka gawin lang niya rin ang ginawa sa akin ng dati kong nobya. Ano ang dapat kong gawin? — Lyndon

Lyndon, May pagkakataon talaga na hindi natin maintindihan ang mga bagay na gusto natin, lalo na sa pakikipagrelasyon. Walang masama na sumubok at muling magmahal kahit natatakot kang mag-risk ulit. ‘Ika nga nila, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Mabigo ka man ulit, hindi ka dapat magsisi dahil sinubukan mo lang. Go lang nang go. Kaya mo ‘yan. God bless!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page