Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Tulad din ng ibang pulitiko — P-Digong.. Mamamatay ako ‘pag walang babae

September 14, 2019

 

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mamamatay siya kapag walang babae sa kanyang buhay.


Nilinaw pa ni Pangulong Duterte na hindi siya isang ‘misogynist’ o taong galit sa mga kababaihan sa halip, siya ay “lover of women”.


“I am just a lover of a woman. Mamatay ako ‘pag walang babae, sa totoo lang. At lahat dito ‘yung mga mayor ninyo, sobra kalahati niyan may mga babae rin ‘yan na iba,”  sabi ng pangulo sa kanyang talumpati sa inauguration ng Bataan Government Center and Business Hub sa Balanga City.


Kasabay nito, nagbiro ang pangulo kung nagsusuot ng bikini sa resort ang mga kababaihan sa Bataan.


Agad niya umano itong ipapasyal sa mga resort sa Bataan kung sakaling may mga naka-bikini.


“Dito sa inyo may resort? May naliligo? Nagbikini-bikini rin sila? Kasi magpasyal ako kung... not really because I am a misogynist,” wika pa ni P-Duterte


Kabilang sa tumawa sa audience ay si Bb. Pilipinas International 2019 Bea Patricia Magtanong, isang native ng Bataan.


Matatandaang, ilang beses nang binabatikos ang pangulo dahil sa mga biro nito sa mga kababaihan.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr